Ricky Lee, bilib sa "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita" ng ABS-CBN
Aminado ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee na napahanga siya ng TV adaptation ng ABS-CBN ng kanyang obra maestra na “Nasaaan Ka Nang Kailangan Kita” na unang ipinalabas bilang pelikula nong dekada ’80 tampok ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.
 
“Ang ganda ng timpla ng kwento na ginawa ng ABS-CBN dahil ipinapakita nila ang totoong daloy ng buhay at dahil do'n, nagiging mas totoo ang mga eksena sa teleserye. Dahil sa TV version, mas nagiging buo rin ang kwento ng pelikula. Dito kasi ay naipakilala ‘yung bawat karakter sa paraang mas malawak at mas malalim," pahayag ni Ricky kaugnay ng teleseryeng pinagbibidahan nina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Vina Morales.
 
Napabilib rin ang batikang screenwriter sa epektibong pagganap ng bagong cast ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.” Aniya, “Kung magagaling sina Susan noon, mahuhusay din naman ang cast ngayon mula kina Vina, Denise, Ina Raymundo, hanggang sa mga kabataan na sina Jane, Loisa, at iba pa.”
 
Samantala, mas tumitindi naman ang mga tagpo sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” pagharap ni Corinne (Jane) sa mga pagbabago sa kanyang buhay matapos niyang suwayin ang kagustuhan ng kanyang inang si Cecilia (Vina). Mapaninindigan ba ni Corinne ang kanyang desisyon sa oras na maranasan niya ang hirap na mawalay sa kanyang nanay? Tuluyan na bang mapapalayo si Corinne (Jane) kina Cecilia at Bea (Loisa) ngayong napapalapit na siya bagong pamilya ng kanyang ama na si Leandro (Christian Vasquez)?
 
Huwag palampasin ang pinakabagong teleserye na magsasalamin ng iba’t ibang klase ng pag-ibig, “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” araw-araw, tuwing 3:15 PM pagkatapos ng “Flordeliza” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa kagradagang impormasyon kaugnay ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
 
Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.