Manolo Pedrosa, magdadagdag-kulay sa "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita"



Isang malaking pagbabago sa pagkakaibigan ng mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Loisa Andalio at Joshua Garcia sa pagpasok ng bagong karakter na gagampanan ni Manolo Pedrosa sa afternoon drama series ng ABS-CBN na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.”

“Tiyak na magiging kaabang-abang ‘yung love triangle naming tatlo nina Loisa at Joshua. ’Yung karakter po kasi, galing siyang US kaya medyo prangka. Kapag may tao siyang gusto, kaya niyang sabihin nang diretso. Iyon ang magiging pinagkaiba nila ng karakter ni Joshua,” pahayag ni Manolo.


Bibigyang buhay ni Manolo sa teleserye ang karakter ni Alex, isang lalaking pinauwi ng kanyang mga magulang sa Pilipinas upang makakilala ng ibang tao at matuklasan ang nais niyang gawin sa kanyang buhay.

Paano babaguhin ni Alex ang pagkakaibigan nina Bea (Loisa) at Joel (Joshua)? Sino nga ba ang mananaig sa puso ni Bea—ang matalik na kaibigang si Joel, o ang bagong lalaki sa kanyang buhay na si Alex?

Huwag palampasin ang mas umiinit na tagpo sa teleserye na sumasalamin sa iba’t ibang klase ng pag-ibig, “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” araw-araw, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.