Denise, Jane, Loisa at Vina, haharap sa malaking pagbabago sa "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita"
Magbabago na ang TV viewing habit ng mga manunuod tuwing hapon sa pagsisimula ng panibagong kabanata sa buhay ng mga karakter nina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Vina Morales sa afternoon drama series ng ABS-CBN na "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita."

Sa panunumbalik ng magandang samahan ng dating mag-asawa, unti-unti nang mahuhulog muli ang loob ni Cecilia (Vina) kay Leandro (Christian Vasquez) at muling mabubuhay ang pag-asa nina Corinne (Jane) at Bea (Loisa) na mabubuo ang kanilang pamilya.

Handa na ba si Cecilia na bigyan ang pag-iibigan nila ni Leandro ng ikalawang pagkakataon? Ano nga ba ang gagawin ni Toni (Denise) sa oras na matuklasan niyang lumalalim na muli ang relasyon ng kanyang iniibig na si Leandro kay Cecilia?

Sa pagtindi ng tensyon sa pagitan ng kanyang dalawang manliligaw, sino nga ba ang mas pipiliin ni Corinne--si Ryan (Jerome Ponce) na naging karamay niya sa mga problema sa pamilya, o ang kababatang si Joel (Joshua Garcia) na lihim na iniibig ng kanyang kapatid na si Bea?

Samantala, mas napapakapit na ang mga manunuod sa tumitinding kwento ng "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita." Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Biyernes (Mayo 1) kung kailan nakuha ng teleserye ang pinakamataas nitong national TV rating na 16.5%, kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Yagit" (15.4%).

Huwag palampasin ang mas umiinit na tagpo sa teleserye na sumasalamin sa iba't ibang klase ng pag-ibig, "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita," araw-araw, tuwing 3:15 PM pagkatapos ng "Flordeliza" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita" mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.