Sama-samang umindak ang mga bituin ng Nang Ngumiti Ang Langit para lalo pang pasayahin ang tag-init sa 2019 ABS-CBN “Summer is Love” Station ID.
Tulad ng mga kampanya ng ABS-CBN na “Just Love” at “Family is Love,” hatid rin ng “Summer is Love” ang mensahe ng pagmamahal at kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya at magkakaibigan, sa hirap man on ginhawa.
Gawa ang “Summer is Love” station ID, na tampok ang mga boses nina Vice, Billy, Regine, Moira, at James Reid, ng ABS-CBN Creative Communications Management division. Isinulat nina Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz ang lyrics habang ang musika at karagdagang rap lyrics ay likha nina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro. Gawa naman ang sayaw na “Summer is Love” nina Edsel Misenas at ang Autonomicass Crew.