Hindi maikakailang pogi naman si Boy Tinga. Yun nga lang, may kababuyan ng kaunti sa katawan. trademark nya ang toothpick na laging nasa bibig nya, dahil sa mas gusto nyang nagto- toothpick na lang kesa nagto-toothbrush, kaya ya nabansagan na Boy Tinga. Gustung-gusto nya ang madaliang pagyaman at kung may chance, manlalamang sya sa kapwa. Kaya nga ang barber shop nyang Pinoy Big Barber-yeah ay kuta din ng kung anu-anong small time sugalan.
Enabler ng mga sugarol, taga-sulsol kapag may ganap, at may crush kay Sheena itong si Boy Tinga. Pasimuno ng mga kalokohan sa Mapag-asa.