Ang matapobreng donya-donyahan, resident 5-6, parang bumbay na nagpapautang. Si Marichu ay parang si Minerva sa Palibhasa Lalake, meron nga lang syang tumbler ngayon na akala mo organic juice ang laman, pero beer yun. Hindi nalalasing si Marichu, dahil parang tubig na lang ang alak sa kanya.
Mahilig sya sa rooftop. Sukatan nang pagiging mayaman sa lugar nila ang mga bahay na may rooftop. Kaya nga ang 3rd floor nya ay gusto nya pang padagdagan ng isa pang floor, isang bagong rooftop. At pride nya na sya lang ang may rooftop sa Mapag-asa.