Pulot mula sa Teleserye Tatay: Super D's Dodong

 

 

Ang mga ama ang inaasahang magtataguyod sa kinabukasan ng kanilang pamilya. At dahil kalimitan sila ang naghahanap-buhay para sa buong pamilya ay maghapon silang wala sa bahay. May mga pagkakataon pa na hindi sila nakadadalo sa mahahalagang okasyon para sa kanilang mga anak. Ngunit hindi man natin sila madalas nakakasama ay batid natin ang sakripisyong kanilang ginagawa kaya’t mananatili silang superheroes natin.

Tulad ni Tatay Dodong (Dominic Ochoa) sa “My Super D” na ginagawa ang lahat upang maging ligtas ang lipunan para na rin sa kapakanan ng kaniyang mag-inang sina Nicole (Bianca Manalo) at Dennis (Marco Masa). Kahit nagdulot ng problema sa relasyon nilang mag-ama ang kaniyang pagiging superhero ay hindi niya ito inalintana dahil alam niya na ang kaniyang ginagawa ay para sa ikabubuti ni Dennis.

1. Dennis, nalaman na ang lihim ng kaniyang ama.


Nang malagay sa kapahamakan si Dennis ay agad siyang iniligtas ni Super D at sa proseso ay nalaman nito na ang superhero ay walang iba kung hindi ang kaniyang Tatay Dodong.


2. Dennis, inilabas kay Super D ang sama ng loob sa kaniyang ama.

Tinanggap ni Dodong ang sama ng loob ng anak na si Dennis at tiniis na huwag ipaalam dito ang totoo dahil ang kaligtasan ng kaniyang pamilya ang laging una niyang iniisip.

3. Dennis, nasaktan sa hindi pagsipot ni Dodong.

Dahil sa tawag ng tungkulin bilang si Super D ay hindi nakarating si Dodong sa mahalagang okasyon para sa anak na si Dennis. Ngunit dahil lihim ang kaniyang pagiging superhero ay walang nagawa si Dodong kung hindi ang humingi ng tawad sa anak.


1 | 2