Ikinuwento ni Angelica Panganiban ang pagkikita nila ng kanyang tunay na ama na nakatira sa Iowa, US. Ginusto niyang hanapin ang kanyang ama noong nalaman niyang namatay ang kanyang tunay na ina. Ibinahagi niyang matindi ang pagnanais niyang makilala ang kanyang mga kadugo. Noong 2011, nakita niya ang kanyang mga kapatid kasama ang kanyang ama sa ibang bansa. Kahit na masaya si Angelica sa pagkakilala sa pamilya niya, sinabi pa rin niya na hindi niya bibitawan ang pamilya niyang kumupkop at nag-alaga sa kaniya habang siya ay lumalaki.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv