Nagbabalik ang longest running drama anthology ng bansa na "MMK," para maghatid ng mga bagong kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis.
Sa unang tampok ng "MMK," bibigyang buhay ni Arjo Atayde ang kwento ni Dr. El Bactol, isang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa COVID-19. Makakasama niya dito ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, at si Jane de Leon, at idinerehe ni Dado Lumibao. Panoorin ang paunang handog ng MMK ngayong Nobyembre 28 at Disyembre 5.
Huwag kalimutang sundan ang mga kwentong kapupulutan ng aral sa “MMK” tuwing Sabado, 8:45 PM sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Sabado, 9:00 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa) at sa digital TV boxes.
Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa TFC, iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.