Bibida sa "MMK" sina Heaven Peralejo at Markus Paterson sa isang kwento tungkol sa pagmamahal na nabuo online.
Parehas ngang naniniwala sina Heaven at Markus na posibleng mahanap ng mga tao ang pag-ibig sa social media kagaya ng kanilang mga karakter na sina Wena at Greg na mapapanood ang kwento ngayong Sabado (Agosto 6).
Bagamat naniniwala sa online dating, gusto pa rin ni Heaven na dumaan sa tamang panliligaw ang lalake at pumunta pa rin ng kanilang bahay at humingi ng pahintulot sa magulang nito. "I do believe that you can get to know each other online pero kapag magdate kayo outside dapat magpakita rin siya sa bahay at manligaw. But normal na generation ngayon yung online dating so naniniwala ako rito," saad niya.
Para naman kay Markus, mas gusto pa rin niyang pisikal na makita at makilala ang magiging posible niyang kabiyak pero nirerespeto pa rin niya ang mga taong nakakahanap ng pag-ibig online.
"I value being with someone physically since it's my love language. Medyo clingy kasi ako pero personally ko itong choice," sabi niya.
Patuloy na panoorin ang mga nakakaantig na kwento ng mga Pilipino sa "MMK" tuwing Sabado, 8PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC. For viewers outside of the Philippines, catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.