Isang binatang pursigidong makatapos ng kanyang pag-aaral si Zaijian Jaranilla kung kaya’t mamamasukan siya bilang isang kasambahay, tulad ng nakagisnang trabaho ng kanyang inang gagampanan ni Pokwang ngayong Sabado (Oktubre 20) sa MMK.
Bata pa lang si Jarel (Zaijian) ay pinangarap na niya na makapagtapos ng pag-aaral para maiangat ang pamilya niya sa hirap. Alam niyang hindi ito madali dahil sa kanilang estado sa buhay kaya namasukan siya bilang isang kasambahay para makatulong sa gastusin. Inspirasyon niya ang kanyang inang si Fe (Pokwang) na kasambahay rin.
Tutol si Fe sa pagiging kasambahay ni Jarel dahil ayaw niyang danasin ng anak ang mga hirap na pinagdaanan niya at ang panghuhusgang kanyang hinarap. Subalit dahil sa hirap ng kanilang buhay alam niyang ito lang ang paraan na mayroon siya para matupad ng kanyang pangarap.
Mapapatunayan ba ni Jarel na ang pagiging kasambahay ay hindi nangangahulugan ng pagkawalan ng laban sa buhay o tama ba si Fe na pang-aapi lamang ang maidudulot nito sa kanya?
Matatanggap ba ni Fe na tumulad sa kanya ang anak at naging isang kasambahay? Makamit ba ni Jarel ang kanyang pangarap sa tulong ng pagiging kasambahay?
Kasama rin sa episode na ito sina JojoAbellana, Regine Angeles, Ruby Ruiz, Angel Sy, Jeffrey Hidalgo, Gem Ramos, Kokoy de Santos, Celine Lim, Amy Nobleza, JB Agustin, Lance Lucido, at Jenny Colet. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni JP Habac at panunulat ni Arah Jell G. Badayos at Benson Logronio.
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.