Bibigyang buhay ni Zaijian Jaranilla ang kwento ng isang lalaking pipiliting iaahon ang kanyang malaking pamilya sa kahirapan ngayong Sabado (Jan 13) sa “MMK.”
Kahit salat sa buhay, mataas pa ring ang pangarap ni Freddie (Zaijian) na makatapos ng pag-aaral at maging isang guro. Ngunit bilang bunso sa labin-dalawang magkakapatid, alam niyang magiging mahirap ito para sa kanya lalo pa at may dalawa siyang kuyang maykapansanan.
Sa tulong ng mga madre sa isang boystown sa Marikina, nakapag-aral si Freddie ng libre. Hindi rin naman siya pinabayaan ng pamilya, lalo na ang kuyang si Elo (JC Santos) na namunong mag-ambag para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ngunit nang matapos siya ng high school, aminado na ang pamilya niyang hindi na siya matutulungan pa. Lalo pang lumala ang sitwasyon ng kanyang pamilya nang mamatay si Elo sa sakit sa kidney.
Paano kaya nalampasan ni Freddie ang hamong ito? Paano na kayang nabalik ni Freddie ang itinulong ng pamilya sa kanya?
Makakasama rin sa upcoming episode sina Amy Austria, Enzo Pineda, Cris Villonco, Maritess Joaquin, Marco Masa, Brace Arquiza, Jimboy Martin, Mitch Naco, at Kamille Filoteo.
Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Akeem del Rosario. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.