Sundan ang buhay ni Norman, na gagampanan ni Zaijan Jaranilla, isang binatang hinangad palawakin ang kaalaman para ipaglaban ang karapatan nilang mga Aeta ngayong Sabado (Marso 24) sa “MMK.”
Kabilang sa tribo ng mga Aeta, namulat agad ang batang si Norman sa malaking pagkakaiba sa pagtrato ng mga tao sa kanilang kultura at kulay.
Kagaya na lang nang sinapit ng kanyang amang si Roman (Jhong Hilario) kung saan pinilit itong papirmahin sa isang kasulatan na nagsasaad na hindi siya pwedeng umangat ng posisyon sa kumpanya dahil sa pagiging Aeta niya at dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman ginamit itong insipirasyon ni Norman para magpursige at maka-graduate.
Ngunit, hindi pa pala doon natatapos ang kanilang problema nang pag-interesan rin ng mga Koreano ang kanilang lupain. Paano kaya naipaglaban ni Norman ang kaniyang kapwa-Aeta?
Makakasama rin sa upcoming episode sina Bugoy Carino, Nikki Valdez, at Jess Evardone.
Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.