Gaganap bilang bulag na contestant sa ‘Tawag ng Tangahalan’ ang dating ‘May Bukas Pa’ star na si Zaijian Jaranilla sa handog ng “MMK” ngayong New Year’s Eve.
Bago pa siya makilala bilang “Blind Balladeer of Bacolod,” nasa puso na ni Carl (Zaijian) ang musika. Bata pa lamang, alam na niya ang taglay niyang galing sa pagkanta, kaya nangarap siyang maging isang sikat na mang-aawit balang araw.
Ngunit hindi ito naging madali para sa kanya, dahik sa tuwing may oportunidad na dumating ay palagi siya bigo.
Ang pagkanta rin niya ang naging sanhi kung bakit nagagamit at naloloko siya ng mga tao lalo na sa pera. Dahil dito, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Carl na ipagpatuloy ang kanyang pangarap.
Paano kaya nanumbalik ang pagmamahal ni Carl sa pagkanta na siyang nagdala sa kanya sa entablado ng ‘Tawag ng Tanghalan?’