• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Elise, gaganap na champion skateboarder sa “MMK”



Ibang Elise Joson ang mapapanood ngayong Sabado sa kanyang pagganap bilang si Margielyn Didal, ang kauna-unahang babaeng gold medalist sa skateboarding sa Asian Games, ngayong Sabado (Oktubtre 6) sa “MMK.

Kahihiligan agad ni Margie (Elise) ang skateboarding matapos niyang mapanood ang isang grupo ng skateboarders sa kanilang lugar sa Cebu at subukan ito. Natural ang talento ni Margie sa skateboarding na agad napansin ng kaibigang si Dani (JV Kapunan) na bilib sa kanyang husay sa laro.

Gustong patunayan ni Margie sa lipunan, at higit sa lahat sa kanyang mga magulang, na hindi lang pang-tambay ang skateboarding. Isa itong lehitimong sport na maaaring ipagmalaki at magdudulot ng magandang kinabukasan. Ngunit nahadlangan ang kanyang pangarap nang siya ay masaktan habang gumagawa ng isang skateboard trick at pagbawalan ng kanyang mga magulang na bumalik dito.

Tunghayan kung paano naibalik ni Margie ang kanyang sigla para sa larong mahal niya at mapatunayan sa kanyang mga magulang at sa lipunan na may halaga ang skateboarding at hindi lamang isang libangan.

Kasama rin sa episode na ito sina Sharmaine Arnaiz, Rommel Padilla, at Jon Lucas. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Akeem Jordan D. del Rosario.

Panoorin ang  longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.