• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Pananampalataya ng dalaga, hahamunin sa “MMK”

Malululong sa bisyo at masasadlak sa mundo ng cybersex ang isang dalagang gagampanan ni Claire Ruiz matapos ang sunod-sunod na kalbaryo sa buhay niya ngayong Sabado (Jan 20) sa isa na namang madamdaming episode ng “MMK.”

Lumaki si Abegail (Claire) sa isang relihiyosong pamilya dala ng amang pastor. Ngunit mawawasak ang kanyang pananampalataya nang mamatay ang ama dahil sa sakit na aneurysm, at isisisi niya sa Diyos ang sinapit ng kanyang pamilya.

Dala ng galit, unti-unting magrerebelde si Abegail. Hindi pa nakatulong ang pag-alis ng ang nanay niya patungong Thailand, kaya’t lumala pa ang lahat nang pinili niyang magdroga at kalaunan ay mapupunta pa sa mundo ng cybersex.

May pag-asa pa kayang magbago si Abegail? Paano siya babangon mula sa pagkakasadlak?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Kristine Garcia, Simon Ibarra, Dominic Roque, Mara Lopez, Jon Lucas, Mutya Orquia, JB Agustin, Prince Stefan, Kim Molina, Nikki Gonzales, Ali Khatibi, at Tom Doromal.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.