• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Buhay ng DZMM anchor na si Ahwel, tampok sa “MMK”

Ibabahagi ng kilala at respetadong DZMM anchor at negosyanteng na si Ahwel Paz ang mga pinagdaanang niyang pagsubok bago makilala sa industriya ng showbiz sa kanyang life story na gagampanan ni Francis Magundayao ngayong Sabado (Feb 10) sa “MMK.”

Lumaki si Ahwel (Francis) na kinagisnan ang pagsisikap ng ina para tugunan ang pangangailan nila ng kanyang mga kapatid. Sa edad na sampu, hindi paglalaro sa kalsada ang inaatupag ni Ahwel kundi ang pagtulong sa kanilang munting karenderya.

Kahit isang kahig isang tuka lamang ang pamilya, ginamit ito ni Ahwel na inspirasyon para pagbutihan niya ang pag-aaral at maging isa sa mga magagaling na orator sa kanilang eskwela.

Dahil sa pagsisikap, nakakuha pa siya ng scholarship at nakapag-aral sa isa sa mga magagandang kolehiyo sa Pilipinas.

Ngunit mas susubukin pa pala siya ng kapalaran nang masunog ang kanilang bahay at nawala ano man ang naipundar nila. Paano niya malalampasan ang pagsubok na ito?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Ana Capri, Richard Reynoso, Erin Ocampo, Belle Mariano, Sunshine Garcia, Louise Abuel, Raikko Matteo, Fourth Solomon, and Fifth Solomon.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Topel Lee at panulat ni Akeem del Rosario. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.