• EVERY SATURDAY AFTER I CAN SEE YOUR VOICE
  • EVERY SATURDAY AFTER I CAN SEE YOUR VOICE
Kwento ng dalagang ginahasa at tinalikuran ng ina, isasabuhay sa MMK
Sa panahon ng pang-aabuso, pamilya ang unang madalas na tinatakbuhan ng biktima. Ngunit paano kung ang sarili niya pang ina ang tumakwil sa kanya sa kanila ng ginawang kalapastanganan?

Iyan ang kwentong isasabuhay sa “MMK” ngayong Sabado (Marso 5) tampok si Mariel Pamintuan bilang si Sally na ilang beses na ginahasa ng kanyang tiyuhin at amain.

Sa pagkamatay ng ama ni Sally, muling iibig ang ina niyang si Lydia (Sunshine Cruz) sa kapatid ng namapayapang asawa nito – ang isa pang tiyuhin ni Sally na siyang wawasak sa kanyang pagkatao.

Sa kabila ng pinagdaanan, magkakalakas ng loob si Sally na sabihin sa kanyang ina ang panggagahasa sa kanya ng amain. Ngunit muling guguho ang mundo ng dalaga dahil imbes na kampihan, mismong ang ina pa ni Sally ang magtatakwil sa kanya at aakusahang nagsisinungaling lamang siya.


Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Alex Medina, Carla Martinez, Lander Vera Perez, Laiza Comia, Lance Lucido, John Steven de Guzman, Micah Muñoz, Jennifer Mendoza, Noel Colet, Maila Gumila, at Erin Ocampo. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz De La Torre, at panulat ni Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamangsawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.