• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Joem, mamaliitin ng pamilya ni Denise sa “MMK”


Malaking hamon ang haharapin ni Joem Bascon upang ipaglaban ang kanyang pag-ibig para kay Denise Laurel ngayong Sabado (Marso 2) sa “MMK.”


Matagal nang pangarap ni Emman (Joem) ang makatapos ng pag-aaral, ngunit dahil sa kahirapan, hindi niya ito makakamit. Mamamasukan siya sa isang bakery kung saan boss niya si Maricar (Denise), ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.


Tututulan ng pamilya ni Maricar ang kanilang relasyon dahil sa takot na hindi kayang buhayin ni Emman ang kanilang anak dahil wala itong natapos. Kahit mahirap, susubukan ni Emman na makatapos para mapatunayan ang sarili sa mga magulang ni Maricar at na karapat-dapat siya sa pagmamahal nito.


Paano malalagpasan ni Emman ang mga pagsubok sa kanyang buhay at sa relasyon nila ni Maricar?


Kasama rin sa episode na ito si Xia Vigor. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Carlo Po Artillaga, at panunulat ni Akeem Del Rosario


Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.