• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
JC at Bela, magtatambal sa “MMK”

 

Pagkatapos bumida sa big screen ay magtatambal naman sina JC Santos at Bela Padilla sa unang pagkakataon sa telebisyon bilang magkasintahang susubukin ng tukso ngayong Sabado (Feb 17) sa MMK.

 

Walang ibang hinangad si Karla (Bela) kung hindi ang makapunta sa Hong Kong Disneyland at makita ang magarbo nitong fireworks. Bata pa lang siya ay pinapangakuan na siya ng kanyang amang si Alex (Christian Vasquez) na dadalhin siya roon basta mataas ang kanyang grades sa school.

 

Ngunit isang araw, binisita niya ang ama sa trabaho at makikita niya itong may kahalikang ibang babae. Simula noon, natakot na si Karla pumasok sa isang relasyon.

 

Tanging ang binatang si Gio (JC) ang nakakuha ng loob niya sa pamamagitan ng masigasig na panliligaw. Kaya naman ang dati’y takot umibig ngayon in a relationship na.

 

Taon din ang tinakbo ng kanilang pagsasama at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hong Kong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairy tale na sana ang lahat hanggang sa madiskubre ni Karla na may nilalandi nap ala si JC na iba.

 

Paano kaya tinanggap ni Karla ang ginawang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

 

Makakasama rin sa upcoming episode sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Heaven Peraleja, Sophia Baars, at Chienna Filomena.

 

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna.

 

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.