• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Richard Gomez stars in his first "MMK" Episode

Sasabak sa kanyang kauna-unahang pagganap sa “MMK” ngayong Sabado (March 12) si Richard Gomez para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood bilang isang masipag na tricycle driver at master’s student na ipinagsasabay ang paghahanapbuhay at pag-aaral.


Bata pa lamang ay pangarap na ni Rafael (Richard) na maging isang guro, kahit na tutol dito ang kanyang amain na gusto na lamang siyang magtrabaho. Ngunit sa kabila nito’y nagpatuloy siyang mag-aral at nakapagtapos ng high school.

Dahil sa madalas na hidwaan sa amain, hiniling na lamang ng ina ni Rafael na tumungo ito sa Maynila upang doon maghanap ng mas magandang kinabukasan.

Ngunit hindi ito naging madali sa kanya dahil dala ng hirap ng buhay, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at nagtrabaho bilang isang security guard para buhayin ang kanyang pamilya. Sa loob ng ilang taon, kinalimutan niya ang kanyang pangarap na maging guro.

Hanggang sa isang araw ay nalagay sa kapamahakan ang buhay niya. Dahil dito, napagtanto ni Rafael na hindi siya maaring mamatay nang hindi niya tinutupad ang kanyang mga pangarap.

Kaya naman bumalik sa probinsya si Rafael upang maging tricycle driver, nakapag-ipon para pag-aralin ang kanyang sarili sa kolehiyo, at kinalauna’y naging teacher.

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Patricia Javier, Sofia Millares, Faye Alhambra, Louella de Cordova, Ronnie Alonte, CX Navarro, Paolo Santiago, Ruben Gonzaga, at Miko Raval. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar, at panulat ni Rose Colindres. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. . I-tweet o ipost ang inyong opinsyon sa episode ngayong lingo gamit ang hashtag na #MMKDrive.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

LOOK: Abangan si Richard Gomez sa kanyang kauna-unahang pagganap sa MMK