• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Enchong, gaganap na binatang may polio sa MMK

 

Tunghayan si Enchong Dee sa isang mapaghamong pagganap bilang isang binatang may kapansanan ngunit hinarap ang buhay na may positibong pananaw ngayong Sabado (May 5) sa MMK.


Sa tuwing naririnig ni Ven ang papalapit na truck ng tatay na si Gregorio, madalas niya itong salubungin. Ngunit ang pangyayari na ito ay panaginip na lamang sa kanya nang bigla siya tamaan ng sakit na polio na nagdulot ng pagkaparalisa ng kanyang katawan.


Hindi naman nawalan ng pag-asa ang binata na ipagpatuloy ang kanyang buhay at pinili pa ring mag-aral katulad ng kanyang mga kapatid. Dahil sa pagpupursige, nakakuha pa siya ng scholarship sa high school.


Ngunit, hindi pa pala tapos ang dagok sa kanyang buhay nang namatay ang kanyang ina.


Paano niya lalampasan ang pangungulila sa ina? Ano kaya ang nag-udyok sa kanyang ituloy ang kanyang buhay at maging inspirasyon sa kapwa niyang PWD?


Makakasama rin sa upcoming episode sina Epi Quizon, Ina Raymundo, CX Navarro, JB Agustin, Yasmyne SuareZ, Marc Aceuza, at Nikki Bacolod.


Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre at panulat ni Joan Habana at Arah Jell Badayos. 


Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.