• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Elisse, makakahanap ng tunay na pag-ibig kay Kit sa MMK


Ipapakita nina Elisse Joson at Kit Thompson na ang tunay na pag-ibig ay hindi base sa itsura ng isang tao ngayong Sabado (Marso 9) sa “MMK.


Insecure si Ancel (Elisse) sa kanyang itsura dahil mataba siya. Madalas, ginagamit lang siya ng mga lalaki para mapalapit sa mga kaibigan niyang sa tingin niya ay mas maganda sa kanya dahil payat sila.


Magbabago lahat nang makilala niya si Mark (Thompson), ang popular na basketball player ng kanilang paaralan na gustong-gusto siya para sa kung sino siya at anong itsura niya.


Maipagtatanggol kaya nina Ancel at Mark ang kanilang pagmamahalan laban sa mga mapanghusgang mata ng mga tao sa kanilang paligid?


Kasama rin sa episode na ito sina Epy Quizon at Bernard Palanca. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Barry Gonzales, at panunulat ni Joan Habana.


Nagtala naman ng bagong all-time high national TV rating para sa 2019 ang episode ng “MMK” noong nakaraang Sabado (Marso 2) na pinamagatang “Mansanas.” Nakakuha ang episode, na tungkol sa lalaking nagpursiging makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang mga paghihirap sa buhay ng 30%, mas mataas ng 13.5 na puntos kaysa sa “Magpakailanman” (16.5%), ayon sa datos ng Kantar Media.


Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.