• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Misteryo sa pagkatao ni Jessy, hahanapin sa “MMK”

Isang hamon ang kahaharapin ni Jessy Mendiola sa kanyang pagganap bilang babaeng hinahanap ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip ngayong Sabado (Sept. 30) sa “MMK.”

Musmos pa lang si Erna (Jessy) nang hindi sinasadyang mawalay siya sa tunay niyang pamilya. Dahil sa kabutihang loob ng isang binata, napadpad siya sa pamilya ni Indong (Christopher de Leon) kung saan kinilala siya bilang si Juliet Perez. Mahal man siya ni Indong, batid niya ang hindi pagsang-ayon ng asawa nitong si Salving (Carmi Martin) pati ang mga anak nito.

Sa kanyang paglaki, walang ibang ginawa si Erna kung hindi gawin ang lahat para matanggap ng pamilya ni Indiong. Hanggang sa isang gabi, nagsimula siyang managinip tungkol sa kanyang tunay na magulang na nagbigay sa kanya ng pag-asa na masagot ang mga tanong na matagal ng bumabagabag sa kanyang isipan.

Paano hahanapin ni Erna ang mga magulang base lang sa panaginip? Paano maapektuhan ng kanyang kagustuhan na makilala sila ang kanyang relasyon sa pamilyang kumupkop sa kanya?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Heart Ramos, Aleck Bovic, Bobby Andrews, Neil Coleta, Johan Santos, John Manalo, Marc Acueza, Carlo Lacana, Shaun Salvador, Karen Timbol, Andrei Garcia, at Aiko Climaco.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.