• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Buhay ng “Araw Gabi” leading lady na si Barbie Imperial, tampok sa “MMK”



Bago pa masilayan bilang pinakabagong leading lady ng ABS-CBN sa pagbabalik ng “Precious Hearts Romances presents Araw Gabi,” alamin ang mga pagsubok na dinaan ni Barbie Imperial sa pagganap niya sa kwento ng kanyang buhay ngayong Sabado (Abril 28) sa “MMK.”

 

Nakilala bilang “Doll Along Da Riles,” lumaki si Barbie kasama ang kanyang inang si Marilyn (Aiko Melendez) na mag-isang tinataguyod sila ng kanyang kapatid. Ngunit lingid sa kaalaman ni Marilyn, hinahanap ni Barbie ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama na si Nelson habang lumalaki siya.

 

Akala ni Marilyn ay sapat na ang pagmamahal na naibibigay niya kay Barbie, hanggang sa sumali ang dalaga sa “PBB” upang dito ay maipahayag niya sa kanyang ama ang kanyang pangungulila.

 

Nagsanhi kaya ng lamat sa relasyon ng mag-ina ang nangyaring pagsali sa “PBB?”

 

Kasama sa upcoming episode ng “MMK” sina Ashley Sarmiento, Carlos Morales, Lance Lucido, Paolo Santiago, Dianne Medina, Joj Agpangan, EJ Jallorina, Mikylla Ramirez, Cheska Billiones, at Lowell Conales. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao, at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Roda dela Cerna.

 

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ANG “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.