• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
RK, gaganap bilang sikat na one-armed surfer sa “MMK”

 

Bago pa siya mapanood sa pinakabagong serye na “Precious Hearts Romances presents Araw Gabi,” bibida muna si RK Bagatsing sa kauna-unahang pagkakataon sa “MMK” ngayong Sabado (Abril 21)  para bigyang buhay ang nakakaantig na kwento ng sikat na one-armed surfer ng Baler na si Harry Marzan.


Bilang nag-iisang anak, busog si Harry (RK) sa pagmamahal at atensyon sa kanyang magulang kahit pa nasa ibang bansa ang kanyang amang si Nestor (Cris Villanueva). Ngunit nagbago lahatng iyon nang kinailangan ng inang si Sylvia (Maricel Morales) na sundan si Nestor dahil sa sakit nitong lymphoma.


Mas gumulo pa ang sitwasyon ng kanyang pamilya nang biglang umuwi si Nestor mag-isa na wala ang ina at hindi kalaunan ay namatay na rin dahil sa sakit nito. Imbes na maghari ang galit sa ina, lumaki pa rin siyang maayos at nahilig pa siya sa surfing dahil na rin sa tulong ng kanyang Lola Soleng (Gina Pareno) at Lolo Pedro (Crispin Pineda).


Ngunit isang pagsubok muli ang susubok sa katatagan ni Harry nang ma-aksidente siya na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang isang braso.


Paano kaya hinarap ni Harry ang pagsubok? Paano kaya muling nahikayat si Harry na ipagpatuloy ang pag-susurfing?


Makakasama rin sa upcoming episode sina Inigo Delen, Mara Lopez, Luis Hontiveros, Robert Bermudez, at Harold Bermudez.


Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.


Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.