• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
JM, gaganap bilang karate champion sa MMK


Magdadala ng inspirasyon si JM De Guzman sa mga manonood sa pagbida niya sa kwento ng Filipino Karate champion at international MMA fighter na si Ramon Gonzales na sinubok ng kapalaran sa “MMK” ngayong Sabado (Marso 16).


Lumaking mahirap si Ramon (JM) at maagang naulila sa ama. Mula sa probinsya, nakipagsapalaran siya papuntang Maynila upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya at makatapos ng pag-aaral.


Hindi nagtagal, isang bagong pag-asa ang kanyang matatamo nang hinimok siya ng kanyang guro na pasukin ang Karate at makalibre sa pag-aaral. Mabilis naman siyang natuto hanggang sa nakitaan siya ng potensyal ng isang Singaporean Kyokushin Karate trainer na si Sensei Steven (Atoy Co) na tumulong sa kanyang matapos ng high school at maging isang Karate champion.


Ngunit isang dagok pa pala ang kahaharapin ni Ramon nang mabuntis ang kanyang girlfriend at kalaunan ay linoko siya. 


Paano pa kaya kinaya ni Ramon bumangon matapos ang ilang pagsubok na nagdaan sa kanyang buhay? Ano ang nag-udyok sa kanya sa pagpasok sa MMA? 


Kasama rin sa episode na ito sina Alan Paule, Mon Confiado, Japoy Lizardo, Erin Ocampo,Ynigo Delen, Glenda Garcia, at Martha Comia. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Pobocan, at panunulat ni Dickson Comia.


Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.