• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Joseph, gaganap na viral TNVS driver sa “MMK”


Bibigyang buhay ni Joseph Marco ang kuwento ni Marlon Fuentes, ang viral transport network vehicle service (TNVS) driver na mayroong Tourette Syndrome, isang genetic na sakit nag nagdudulot ng mga imboluntaryong pagkilos ng katawan, sa “MMK” ngayong Sabado (Hulyo 28).

Gaganap na asawa ni Joseph si Ryza Cenon sa kaniyang pinakaunang episode sa drama anthology.


 



Bata pa lang si Marlon (Joseph) ay kinukutya na siya ng mga tao dahil sa kanyang kakaibang pagkilos. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang makahanap ng trabaho at ng pag-ibig hanggang sa makilala niya si Rio (Ryza), ang kaniyang magiging kabiyak na buong puso siyang tatanggapin.

Malalaman nilang mag-asawa na Tourette Syndrome pala ang dahilan ng kanyang mga imboluntaryong paggalaw. Pipilitin ni Marlon na itaguyod ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang karamdaman at ang mga paghihirap na dala nito. Sa kabila ng kaniyang sakit ay lalabanan ni Marlon ang lahat ng pagsubok ng buhay, gaano man ito kahirap para sa kaniya.

Paano mapagtatagumpayan ni Marlon ang mga limitasyong dala ng kanyang sakit?

Kasama rin sa episode na ito sina Alex Castro, Soliman Cruz, Glenda Garcia, Pinky Amador, Mari Kaimo, Regine Angeles, Marco Masa, at Alysson Mcbride. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Benson A. Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.