• EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
  • EVERY SATURDAY AFTER THE VOICE TEENS
Xian and Coleen team up as HIV Couple in “MMK”

Bilang paggunita sa World AIDS Day, matutunghayan ang kwento ng pag-iibigan nga mga karakter nina Xian Lim at Coleen Garcia sa kabila ng pakikipaglaban sa HIV infection ngayong Sabado (Dec 3) sa “MMK.”

Bago pa man sumibol ang pagmamahalan nina Rina (Coleen Garcia) at Gabby (Xian Lim), maraming dagok na ang napagdaanan ni Rina. Habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, minahal niya ang maling lalaki na nakabuntis sa kanya at kalauna’y iniwan siya. Sa kabila nito, hindi napanghinaan ng loob si Rina at nagtrabaho sa Dubai para matustusan ang anak. Ngunit ilang buwan pa lamang sa naturang bansa, walang habas siyang ginahasa ng kanyang amo.

Hindi pa nagtapos doon ang paghihirap ni Rina dahil pagdating niya sa Pilipinas, natuklasan niyang mayroon siyang Human Immunodeficiency Virus (HIV) mula sa kanyang sinapit sa Dubai. Tila mawalan na ng pag-asa sa buhay si Rina, hanggang sa makikila niya si Gabby, na miyembro ng isang HIV organization at katulad niya’y isa ring HIV-positive.

Matapos pumanaw ang asawa ni Gabby mula sa mga kumplikasyon dulot ng HIV, lalo pang siyang napalapit kay Rina. At mula sa simpleng pagkakaibigan, nauwi sa pag-iibigan ang samahan nila.
Hanggang saan kaya sila dadalhin ng kanilang pagmamahalan sa kabila ng kanilang sakit at ng mga taong tutol sa kanilang relasyon? Mabuo pa kaya nila ang pinapangarap nilang pamilya?

Makakasama din sa upcoming episode sina Assunta de Rossi, Carlos Agassi, Carla Humphries,Tess Antonio,Sophia Reola  and Ashley Sarmiento The episode is directed by Elfren Vibar and written by Arah Badayos. “MMK” is led by Star Creatives COO Malou Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.