• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Sino ang matitirang ‘Last Woman Standing’ sa finale ng Love Thy Woman?

Magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan ng Love Thy Woman sa patuloy na banggaan nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez para sa kayamanan at hustisya sa huling dalawang linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live

Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman. 

Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon. 

Lalo namang titindi ang iringan sa pagitan ng dalawang pamilyang Wong dahil sa pag-aagawan nina Jia at Dana (Yam) kina David at Michael. Sa lungkot ni Dana sa pagkakulong ng kanyang ina, lalapit ito kay David, na mas pipiliin namang tulungan si Jia kaysa sa puntahan ang kanyang dating asawa. Dahil naman sa galit at selos, pilit na babawiin ni Dana ang kanyang inampong anak na si Michael. 

Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael? 

Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa Love Thy Woman, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM, sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel.