Kathryn at Daniel, pinangunahan ang nationwide bloodletting event

Ano nga ba ang misteryo sa katauhan ni Tristan sa “La Luna Sangre?”

Pinangunahan ng “La Luna Sangre” stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isang blood letting event na ginanap noong Linggo (Nov 5) sa Philippine Red Cross headquarters kasabay ang 23 iba pang blood donation drive nationwide na inorganisa mismo ng Kathniel fans.

“May shortage talaga ang bansa sa dugo. May mga cases narin kaming naririnig na nahihirapan sila na kumuha ng dugo. Kaya sana kahit hindi ngayong araw ay makapagbigay kayo ng dugo para makatulong sa ating kapwa Pilipino,” panawagan ni Daniel.

Matagumpay na nakakalap ang event ng 50,000 cc na dugo.

Bukod sa bloodletting, kinuha rin nina Kathryn at Daniel ang oportunidad para pag-usapan ang kanilang cyberbullying advocacy bilang CyberSmile ambassadors.

Idiniin ng dalawa ang kanilang panawagan na itigil na ang online bashing at sinabing dapat maninidigan ang bawat isa kontra dito.

Patuloy na pamamayagpag ng “La Luna Sangre” bilang isa sa mga top rating primetime serye ng bansa. Nasaksihan nga ng mga manonood ang pagtigil ng tibok ng puso ni Tristan (Daniel) noong Biyernes (Nov.3)  matapos siyang bigyan ng virus ni Prof T. (Albert Martinez).

Isang malaking palaisipan tuloy kina Prof T. at Samantha (Maricar Reyes) ang katauhan ni Tristan nang hindi tumugma ang nangyari kay Tristan sa kapwa niya Moonchasers. Ano nga ba ang misteryong bumabalot kay Tristan? Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.