Saturday Special: Top 3 Meteor Garden songs na nagpa-LSS sa ‘yo
Marami ang nagkaroon ng flashback moments nang sabihin ng ABS-CBN na ibabalik nila ang Meteor Garden, ang unang Asianovelang nagpatibok ng ating mga puso.

Natatandaan mo bang unang pinalabas ang Meteor Garden ng 4:30 ng hapon  noong May 5, 2003? I’m sure ‘di mo din makakalimutan ang araw na ni-research mo ang mga pangalan ng artistang gumanap na F4 at ni Shan Cai. Pati na rin na inisip mong mag-aral ng Chinese para lang maintindihan at makanta din ang mga nakaka-LSS na tugtog na kasama sa sound track ng drama pati na rin ang kanta ng mga F4 na naging chart toppers pa sa radyo.

At dahil magbabalik na ang ating most-loved Asianovela sa Kapamilya Gold sa Monday, March 31, pinili namin ang Top 3 na hindi mo malilimutan na songs na nagmula sa Meteor Garden at F4, na sure kaming kinakanta mo na sa isip mo ngayon kahit mali-mali pa ang lyrics mo.

1. Qing Fei De Yi (Can’t Help Falling in You)
Ito ang opening song ng Meteor Garden na inawit ng sikat na Taiwanese singer na si Harlem Yu. Sa ABS-CBN version ng opening credits, pinakita ang F4 na namamasyal sa isang beach. Nagkaroon ng cameo appearance si Harlem Yu sa ending ng Meteor Garden 1.



2. Jue Bu Neng Shi Qu Ni

Hindi man ito kasama sa soundtrack ng Meteor Garden, ito ang unang kanta ng nabuong grupo nina Jerry Yan, Vic Zhou, Ken Zhu at Vanness Wu na more popularly known na ngayon na F4. Ang kantang ito ay mas kilala siguro na “Oh Baby Baby Baby” dahil sa catchy chorus na Ingles. Dahil sa kasikatan ng kantang ito nagkaroon pa ng F4 sing and look-a-like sa defunct noontime show na Magandang Tanghali Bayan.



3. Ni Yao De Ai (The Love You Want)

Ang end credit song na inawit ng Malaysian-Chinese singer na si Penny Tai. Isa rin ito sa mga songs na galing sa Meteor Garden soundtrack na sumikat dito sa ating bansa at napasama pa sa Top 10 ng Myx Music charts.




Ano pa bang Meteor Garden at F4 songs ang favorite mo? I-share mo na at sabay-sabay tayong kumanta at ma-LSS!