Meteor Garden Memes na pampa-good vibes!
The Meteor Garden fever is back, mga Kapamilya! Dahil sa pagbabalik ng members ng Flower 4 o F4 na sina Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Mei Zuo and Xi Men ay feeling Shan Cai na naman tayo na tutok na tutok araw-araw sa Kapamilya Gold pati na sa Jeepney TV.

Buksan na ulit ang baul at ilabas ang inyong mga natatagong Meteor Garden merchandise at ibalik sa dingding ng kwarto ang inyong Meteor Garden posters para mas feel na feel mo ang F4 Fever Forever.

Pero dahil Feel Good Friday ngayon, hindi mga nostalgic photos o mga madradramang scenes ng Meteor Garden ang ilalabas namin kundi ang Top 5 memes na nakita namin online na siguradong magpapa-good vibes sa inyo.

Top 5: The Awkward Asian Drama Get-up
Dahil sa kakaibang get-up ng Meteor Garden cast lalo na si Shan Cai, naging inspirasyon ito ng mga super fan na mga Nanay, Tita at Ate. Na-experience mo bang pagsuotin at pagmukhaing Shan Chai o isa sa F4?



Top 4: Crying in the rain… dahil suspended ang classes
Bakasyon na pero hindi lumagpas sa aming paningin ang madrama pero may punch line na meme ni Shan Cai. Dinaig pa niya ang Snooze meme ni Toni Gonzaga sa Starting Over Again dahil hindi nga siya late at maaga siya kahit umuulan pero ayun lang suspended na ang classes.



Top 3: Foodie ka ba?
Isa ang Meteor Garden na ipinalabas sa ABS-CBN na ginamit ang original names ng mga characters. At hindi ito nakalagpas sa makukulit na meme creators at ni-relate sa pagkain. Ano ang type mo? Si Mei Zhou o Siningang sa Mei Zhou?



Top 2: Spicy or Not?
Alam naming hot talaga si Hua Zi Lei or Vic Zhou sa toong buhay at dahil diyan hindi rin nakaligtas sa mga gumagawa ng memes ang character niya. Iniugnay siya sa sawsawan! Ano trip mo today, spicy or not?



Top 1: Gusto ko maraming Si!
Winner talaga itong meme ni Dao Ming Si (Jerry Yan). Kailangan pa ba namin bigyan ng explanation ang meme na ito? Kayo na ang mamili ng gusto ninyo -marami o konti lang?



Sa pagbalik ng F4 members kasama si Shan Cai, sabay sabay nating balikan ang kilig moments sa ultimate throwback na ito na handog ng ABS-CBN! Huwag palampasin sa Kapamilya Gold after Moon of Desire at 8PM naman sa Jeepney TV sa SkyCable Channel 9.