Ang Mga Kuwentong Buwan ng Wika ng Team YeY!

Ang Mga Kuwentong Buwan ng Wika ng Team YeY!

 

           Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Sa buong buwang ito, binibigyang pugay natin ang ating wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsalita nito. Kaya mahalaga ang mga kwentong Filipino dahil naipapasa at nasasalamin nito ang kultura at tradisyon na galing sa ating mga ninuno.

 

         Para mas makilala pa ang iba’t-ibang kwentong pinoy, naglista ng Just Love Kids ng mga sikat na alamat na itinampok sa StorYeY ng Team YeY.

 

  • Ang ALAMAT NI MARIA SINUKUAN ay kuwento ng isang matulunging diwata na nakatira sa Mt. Arayat.

 

  • ANG IBONG ADARNA ay tungkol sa isang ibon na may magical powers at sinasabing isinulat ni Jose dela Cruz o Huseng Sisiw.

 

  • Isinalaysay sa ALAMAT NG MT. KANLAON kung paano nagkaroon ng bulkan sa isla ng Negros.

 

  • Malalaman natin  sa ALAMAT NG BUWAN AT BITUIN kung saan nga ba nagmula ang mga pinanggagalingan ng liwanag sa ating kalangitan tuwing gabi.

 

  • Makikilala naman natin si MARIA MAKILING, ang mabait na diwata na nakatira sa paanan ng bundok Makiling.

 

          Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura at makikita natin ito sa mga kuwento at alamat na ibinahagi ng ating mga ninuno noon. Para mas malaman at mapahalagahan natin ang mga ito, patuloy natin itong ibahagi sa iba. Mabuhay ang wika’t kulturang Pilipino!