Chill lang ang Wednesday with the ‘Showtime’ family. Relax muna na may kasamang reminiscing ‘pag narinig ang mga awitin from our younger years. Tamang jamming lang, pero baka tumulo ang tears, dahil ang OG vocalist ng Moonstar88, na kumanta ng mga beloved hits tulad ng ‘Torete’ at ‘Migraine,’ may dalang bittersweet na treat.
Si Acel Bisa, may huling sorpresa sa Madlang People bago tuluyang umalis. Huwag mag-alala, dahil may regalo rin s’yang iiwan para hindi s’ya masyadong ma-miss.
Sina Acel at Vhong Navarro, napa-reminisce sa kanilang ‘collab’ way, way back. Naaalala n’yo ba ang “Sulat” ng banda ni Acel? Si Kuys Vhong lang naman ang nasa music video n’yan!
Kung chill na movie marathon naman ang bet, tune in na sa very cutesy na aktingan nina Argus, Kelsey, Imogen, and Jaze sa “Showing Bulilit.” May nag-ala superhero, meron ding love team. Sina Argus at Kelsey, very DonBelle ang peg sa acting!
Ginalingan din ng mga tandems. Naki-join sina “Showtime Online U” hosts Lorraine Galvez, Eris Aragoza, at AC Soriano bilang ka-duo nina Darren Espanto, Ryan Bang, at Bela Padilla. Sina Vhong at Gladys Reyes naman ang magkapares, pati sina Jhong Hilario at Jugs Jugueta.
Sa larong ‘to, dapat matuto. Tandaan na bawal ang labis, bawal ang kulang, dahil mahigpit ang game master na si Karylle. Sina AC at Bela, laban na laban. Umubra kaya ang effort at galing nila sa jackpot round?
Napangiti ang Madlang People this Miyerkules dahil sa bisita na mag-ex. Balikan ang mga ganap sa “Kalokalike Face 4” at ihanda ang puso dahil kikiligin ka for sure.
Hindi pa man humaharap, dama mo na ang astig na tindig ala-Daniel Padilla ni Contestant 1. At nu’ng nagpakilala, nag-drama at kumanta, studio ay napuno ng hiyawan. Si Daniel kalokalike, pinag-agawan! Sino nga ba sa dalawang Baby Dolls ang makakasungkit sa puso n’ya, o baka pareho silang ma-bokya?
Napa-aww ang lahat nang makaharap ni Daniel ang kawangis ni Kathryn Bernardo. Medyo awkward man ang kanilang instant reunion, happy naman daw ang kanilang mga puso.
Larong-laro naman ang kalokalike ni David Licauco. Pero sa ilang anggulo, mas kahawig daw ni Darren Espanto.
Madlang people, ano’ng husga n’yo? Alamin din ang naging komento nina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Aubrey Miles, at ang hurado na maraming ‘reklamo’, Rufa Mae Quinto.
Dalawang estudyante, kumasa sa hamon ng ‘Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Kuminang ang talento ni Jannah Cayaban ng La Consolacion College Tanauan sa pagkanta ng “Shine.” Break muna sa pagpalaot sa dagat, dahil golden mikropono naman ang susubukang bingwitin ni James Dolor ng Victory Global Technology College sa pag-awit ng “Remember Me.”
Nahuli nga ni James ang pagkapanalo. Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Marco Sison, at Darren Espanto.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.