This Huwebes, ihahatid ng ‘Showtime’ family ang unli orders of happiness. At walang bayad ‘yan! Libre lang ang ngumiti dito sa “It’s Showtime”. Paki-receive na po ng first parcel n’yo – isang cool na kantahan with FuMi. Si Fumiya Sankai na minahal nating lahat noon sa PBB, nagbabalik-Pinas bilang performer.
Sa “Karaokids,” bawal mainis kahit struggle is real sa pag-intindi sa lyrics. Teamwork lang naman ang kailangan at mag-focus lang sa pakikinig, makukuha mo rin ang title ng kantang pinahuhulaan.
Si Meme Vice Ganda, mukhang happy sa performance ng buzzer na natapat sa kanya today. Walang ‘sabotahe’, kaya hanggang jackpot round, maganda ang performance nila ng alagang si Jackie Gonzaga.
Always nahuhulog ang loob sa mas bata. Always din na siya ang mas nag-aalaga. Pero sa huli, always din siyang niloloko. ‘Yan ang kwento ni Rona sa “EXpecially For You.”
Talking about her most recent heartbreak, ibinahagi ni Rona na tatlong taon ang tanda n’ya sa ex n’ya. Dahil siya ang nagtatrabaho at si ex ay estudyante pa lang noon, siya ang laging taya sa mga dates nila. Ayos lang naman ‘yun kay Rona. Gift-giving siguro ang love language n’ya. Pero dumating sa punto na maya’t-maya na ang pagbibigay n’ya ng pera at sustento kay ex. May time rin na sinuportahan n’ya maging ang pangangailangan ng pamilya nito. Minsan ay nangungutang pa siya sa iba para may maibigay kay jowa. Pero sa kabila ng lahat ng pagmamahal at aruga na ibinuhos niya, si ‘guy’ nanlamig. At umamin na may side chick.
Moving forward, ready na si Rona na makipag-date ulit. Kasama ang kanyang sisteret, kikilatisin n’ya ang tatlong searchees at pipili kung sino ang kanyang bet.
Dalawang estudyante ang may special assignment for today: Galingan ang pagkanta sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Running for summa cum laude si Lia Mendoza ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Dito sa TNT, high honors din ang goal niya. Uy, si Lia, nagtuturo ng musika sa mga kabataan. Kaya naman si Jackie, nag-volunteer na magpaturo sa kanya!
Hindi binigo ni Ashley Catuiza ang Lobong National High School sa kanyang mahusay at kakaibang rendisyon ng “Lord Patawad.” Bukod sa magaling kumanta, masipag na bata rin si Ashley na tumutulong sa pagtatrabaho ng kanyang mga magulang.
Sino kaya sa kanila ang aangat sa tanghalan?
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.