Walang time for negativity ‘pag kasama ang “It’s Showtime” family! Itaas pa ang level ng good vibes with P-Pop girl group KAIA!
Biro ng “Showtime” boys, bubuo raw sila ng grupo na tatawagin nilang ‘Kuya.’ Oops! Papasa ba si Ogie Alcasid sa grupo o mas bagay sa kanya ang ‘Tito?’
Sa “Karaokids,” naging biruan ng grupo ang pagiging ‘highlight’ ni Vhong Navarro sa social media pages ng “It’s Showtime.” Gusto rin daw ni Ogie na maging ‘cover star’. Ang technique para ma-achieve ‘to? Makipag-tandem kay Vhong for today’s video!
Plus, isang fun ‘bardagulan’ na naman ang naganap sa studio!
More tawa at kilig naman ang hatid ng “EXpecially For You” kasama ang mag-ex na sina Ralph at Jannah. Sa sugal ng pag-ibig, walang kasiguraduhan. Mga “sana” nila ay naiwan sa nakaraan. ‘Right love, wrong time’ story nga ba ang kanilang pinaghuhugutan?
Siguradong ‘laptrip’ ang episode na ‘to! Kilalanin sina ‘searchees’ Querubin, Justine, and Eunice – sino ba ang mapupusuan ni Ralph sa kanilang tatlo?
Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” ang pambato ng University of Negros Occidental na si Nicole Centeno ang aabante sa ‘prelims’ o semi-finals sa Sabado. Siya ay nakakakuha ng grado na 93 % dahil sa kakaibang bersyon niya ng “Doo Bidoo.”
Samantala, si Coleen Tolentino ng Technological University of the Philippines-Manila ay nakakuha ng 92.7 % sa pagkanta niya ng “Driver’s License.”
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.