Bumisita sa It’s Showtime ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 nitong June 6 (Huwebes). Tinawag ni Vice Ganda sa stage ang dating GirlTrend member at ngayo’y representative ng Malabon na si Jessica Marasigan.
Tinanong ni Jhong kay Vice kung pwede raw tawagin din si Ms. Marikina. Pinagbigyan naman ni Vice ang kanyang kaibigan, pero kailangang sagutin muna ni Jhong ang tanong ni Vice na “Why are you interested?” Hindi agad nakasagot si Jhong. Gayunpaman, tinawag ni Vice ang kandidata sa stage na nakilala nilang si Marian. Agad nagpakilala si Jhong na “Hi Marian, nice meeting place... you are so beautiful, indeed.” Pero mabilis na nabasag si Jhong nang sabihin ni Marian na hindi siya single. Ayos lang naman daw iyon ayon kay Jhong dahil hindi rin siya single. Ibinida na lang ni Jhong si Ryan Bang na matagal ng naghahanap ng pag-ibig. Pero binasag ni Vice si Ryan nang sabihin niyang “He’s gay. He likes men, too!”