Back to reality na tayo, madlang people! Nakakabitin man ang long weekend, It’s Showtime made sure na hinding-hindi kayo mabibitin sa mga sorpresang aming inihanda para sa inyo sa araw na ito ng Martes, August 27.
And for today’s episode, ipinarinig sa atin ni Idol Philippines Season 2 grand winner Khimo Gumatay sa opening number ang kanyang bagong awitin na pinamagatang “Ghost Writer”, na isinulat ni Kevin Yadao bilang entry sa 2024 Philpop Himig Handog songwriting festival. Nakakaindak man ang tunog nito, for sure, marami ang nasapul ng lyrics nito na patungkol sa pinagdadaanan ng mga taong na-“ghost”.
Ordinaryo man ang araw na ito para sa marami sa atin, ngunit hindi para kay It’s Showtime host Ogie Alcasid at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya dahil ipinagdiriwang niya sa araw na ito ang kanyang kaarawan! At para sa kanyang 57th birthday, walang ibang hiling si Ogie kundi ang manalo ang kanyang team sa Magpasikat 2024, na paniguradong hangad din ng lahat ng hosts.
Hindi lamang ang kanyang co-hosts ang naghatid ng kanilang pagbati, kundi pati na rin ang Showtime kids na sina Argus, Jaze, Kelsey, at Kuloy na bumida sa mga eksena mula sa mga pelikula na kanilang ni-recreate. Sa bandang huli, ang tambalan ng mag-“bestie” na sina Kim Chiu at Darren Espanto ang nagwagi at tumuloy sa jackpot round matapos mahulaan ang mga eksena sa “Must Be…Love” at “La La Land” na inarte nina Jaze at Kelsey.
Hindi man nakuha nina Kim at Darren ang jackpot prize, ngunit nakalikom pa rin sila ng P35,000 na ipamimigay ni host Jugs Jugueta sa mga madlang nagtitinda ng laruan.
Posible nga ba talagang maging magkaibigan ang dating magkasintahan? Ito ang pinatunayan ng mag-ex na sina Kim at Ian na tampok sa episode ng “Expecially For You” ngayong araw.
Nagsimula ang kanilang lovestory sa pagpapansin ni Kim kasama ang kanyang mga kaibigan sa grupo ni Ian habang sila’y nag-eensayo ng kanilang dance production number para sa isang fiesta sa Caloocan City kung saan sila kapwa nakatira noon.
Binalikan din ng dalawa ang ilan sa kanilang happy and memorable memories together, kasama ang moment na ibinigay na finally ni Kim ang matamis niyang “oo” kay Ian. Subalit makalipas lamang ang pitong buwan ay nagwakas din ang matamis nilang samahan sa mismong araw ng kanilang seventh monthsary matapos biglang mag-desisyon ni Ian na makipaghiwalay sa kanya para sa oportunidad na makapagtrabaho sa Pasig City. Ito ay dahil hindi niya umano kayang mawalay kay Kim at hindi siya naniniwala sa LDR o long-distance relationship.
Masakit man, umayon pa rin si Kim sa naging pasya ni Ian dahil hangad din niya na mahanap at makilala pa ni Ian ang kanyang sarili nang lubusan. Bukod sa kanilang relasyon, pinili rin ni Ian na tapusin ang ano mang koneksyon na mayroon sila upang maging mas madali o mabilis ang kanilang pagmo-move on. Matapos nito ay nagkaroon sila ng kanya-kanyang relasyon, si Kim sa isang malapit na kaibigan ni Ian, subalit kapwa bigo ang mga ito.
Nag-krus muli ang kanilang mga landas matapos ang ilang taon, kung saan sinubukan ni Kim na makipagbalikan kay Ian ngunit hindi ito nangyari. Kaya naman naging kaibigan o source of comfort na lamang ang isa’t isa, na nauwi sa situationship, hanggang sa muli silang nagkahiwalay dahil nagka-boyfriend muli si Kim. Sa ngayon ay may girlfriend na si Ian, na ipinakita ang kanyang full support sa pamamagitan ng pagsama sa kanya sa studio at pagpayag na muling makipagkita kay Kim upang tulungan siya sa paghahanap ng bagong kaibigan.
Sa tatlong searchers na ipinakilala sa kanila, ang 25-year-old singing medical representative ng Tarlac City na si Renz Santos ang binigyan ni Kim ng dalawang green flags. Hindi lamang dahil sa angking talent niya sa pag-awit, kundi pati na rin sa impressive niyang mga kasagutan sa mga kasagutan ni Kim.
Dalawang magigiting na young singers na pambato ng kani-kaniyang eskuwelahan ang nagpasiklaban sa panibagong episode ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.
Dahil sa effortless at swabe niyang pagkanta ng “That’s Life” ni Frank Sinatra at impressive niyang song choice na talagang swak sa kanyang boses ay si Martin Lacdao ng STI College - Lipa City ang nagwagi sa kanilang tapatan ni Joanna Galicia na incoming 4th year nursing student na pambato ng Our Lady of Family University (OLFU).
Si Martin ay nakakuha ng 93.3% mula sa pinagsama-samang scores na binigay ng mga hurados na sina Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Klarisse de Guzman, habang si Joanna naman ay nagkamit ng 93% para sa kanyang version ng “Hindi Na Nga” ng This Band.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.