Tinanong ni Vice Ganda si Ion Perez kung siya ay may kinikindatan pang ibang babae sa KapareWHO: Senior Edition ng It's Showtime noong Sabado, Oktubre 5,
Noong tinanong ng hosts kung paano napasagot ng isang KalaWHOk ang kanyang dating maybahay, sinabi niya na idinadaan niya ito sa mga regalo at kindat.
Ibinahagi naman ng Unkabogable Star na noong unang panahon, kinikindatan talaga ng mga kalalakihan ang mga babaeng kanilang mga nagugustuhan.
Dahil dito, sinabihan ni Vhong Navarro si Ion na kindatan si Vice.
Pagkatapos siyang kindatan nito, tinanong ng Phenomenal Box Office Star si Kuya Escort kung siya ay may kinikindatan pang ibang babae.
"May mga kinikindatan ka pa ba?" tanong nito.
"Wala akong kinikindatan. Ngayon ko nga lang ginawa 'to eh," sagot ni Ion.
Sinabi rin niya na walang ibang maganda sa paningin niya kundi si Vice, "Wala nang ibang maganda sa paningin ko kundi ikaw lang."