Nitong June 6 (Huwebes), napansin nina Anne Curtis at Mariel Padilla hindi na malungkot at malaki na ulit ang ngiti ni Ate Girl Jackque Gonzaga.
Sa KapareWho, pumasok si Jackque na may dalang juice para kina Anne, Mariel at sa mga Whomahanap. Matapos nito ay agad siyang lumapit kay Vice Ganda para ibigay ang kanyang pasalubong na meryenda.
Kinumusta naman ni Vice si Jackque, “How are you, my Jackque?! Ayon sa dancer, maayos na ang kaniyang pakiramdam at masaya na siya. Ayon kay Vice, naging laman ng balita online si Jackque nitong mga nakaraan araw dahil sa pag-iyak nito sa It’s Showtime.
Siniguro naman ni Jackque sa madlang people at sa kanyang fans na ayos lang siya. Sunod na tinanong ni Vice ang lagay ng puso ni Jackque. Ayon kay Ate Girl, “Okay, laban na laban!”
Pahayag ni Vice na wala namang masama sa pag-iyak dahil nakakapagpatibay ito ng loob. Importante din ayon kay Vice, na pagkatapos umiyak ay bigyan muli ang sarili ng kakayahang ngumiti ulit at magkaroon ng dahilan para tumawa. Ayon kay Jackque, ubos na ang kanyang luha, pero may pasalubong siya kay Vice. Natuwa si Vice nang ilabas ni Jackque ang isang pack ng watermelon slices at isang tumbler ng tubig. Ayon kay Jackque, “Double hydration ‘yan, tubig saka pakwan. It helps you hydrate and helps you relieve muscle soreness.”