Anuman ang bagyong dumating, hindi matitinag ang lakas natin. Present ang ‘Showtime’ family para kayo’y pangitiin. Kahit gaano man kalakas ang ulan, ‘pag nand’yan ang ‘Showtime,’ laging may saya’t kasayahan. Simulan natin sa isang exciting kantahan at sayawan kasama si Shanaia Gomez. Maki-party with Shanaia for your daily dose of happiness.
Playlist ng mga bulilit, dapat ma-gets! Argus, Kulot, Kelsey, at Jaze, sing it! ‘Showtime’ hosts ay bigay-todo sa hulaan para madlang people ay mabiyayaan.
Boom Panes? Boom Japanese? Kung saan-saan na napunta ang panghuhula, pero Kim Chiu-Cianne Dominguez pala ang makakatama. Sumablay nga lang sila sa next round. Si Kim, nag-apologize nang maling title ang maibigay sa kanta ng kanyang ‘bestie’ Darren Espanto.
‘Yung ‘sounds like’ technique ni Vhong Navarro, malakas din maka-panalo. Pero hindi nagpatinag sina AC Soriano at Jugs Jugueta na tinapos ang laban. Congrats, AC! Natupad na ang pangarap mong maglaro sa jackpot round!
Sino ba ang mas sablay? ‘Yung taong hindi na maibalik ang dating tiwala o ‘yung naging dahilan kung bakit ito nawala?
For today’s “EXpecially For You,” young ex-couple ang nagbahagi ng kanilang kwento. Sina Anjannette at Wayne, matamis ang samahan no’ng una hanggang sa trust issues ay lumala. Nakarating kasi kay Anjannette ang kwento na may isang babaeng nagpakita ng motibo sa nobyo habang nasa party ito. Inamin naman ni Wayne ang nangyari, ‘yun nga lang, hanggang ngayon ay hindi niya matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng mystery girl na sangkot sa kanilang hiwalayan. Hanggang ngayon ay palaisipan kung sino ang babaeng ito na sobrang sweet kay Wayne nang gabing ‘yon.
Nag-break, nagbalikan. Pero sadyang hanggang doon na lang ang kanilang pagmamahalan. Nahirapan si Anjannette na ibalik ang dating tiwala. Dagdag pa ang pagiging busy ni Wayne bilang working student at ‘yung minsang ‘trip’ ni Anjannette para magpapansin at suyuin ng jowa.
Bitbit ang mga natutunan, handa na si Anjanette na muling makipag-date. Sino kaya ang mapupusuan niya sa tatlong searchees?
Dalawang mag-aaral ang bumida sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Hindi lang sa sports magaling, kundi very good din sa singing. ‘Yan si Lyzette Pollentes ng Enrique B. Magalona National High School na umawit ng “Two Less Lonely People In The World.”
Ang pambato naman ng Ateneo De Zamboanga University na si Jayda Bue, hasang-hasa na bilang bokalista ng banda. Ang talented dreamer na ‘to, siguradong malayo ang mararating. Madlang people at mga hurado, namangha sa kanyang bersyon ng “Empire State of Mind.” Bilib si hurado Dingdong Avanzado sa talento ni Jayda, at natuwa rin siya dahil kapangalan ito ng kanyang unica hija. Si Jayda ang daily winner at pasok na sa ‘prelims’ sa Sabado.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.