Nitong Lunes, June 17 sa KapareWho sa It’s Showtime, nagpakilala bilang KalaWhok si Piano Ang Puso Ko na mula Las Pinas City. Hilig ni Piano Ang Puso Ko ang pagtugtog ng piano. Mayroong 19-year-old na anak si Piano Ang Puso Ko at kasalukuyan itong naninirahan sa Canada. Ayon sa KalaWhok, dalawang taon na siyang single at wala siyang sinubukang ligawan sa loob ng dalawang taon. Gusto raw kasi ni Piano Ang Puso Ko na ang susunod na babaeng makakarelasyon niya ay kanya nang pakakasalan, dahil kung hindi ay parang nagsayang lang daw siya ng oras.
Natanong naman ni Vice sa kanya, “How would you know kung ‘yung babae na iyon ang pakakasalan mo?” Para kay Piano Ang Puso Ko, “Number 1 sa akin, ugali talaga- religious, respectful sa magulang.”
Inalam naman ni Jhong Hilario kung ilang buwan dapat ang relasyon bago magpakasal. Sinabi ni Piano Ang Puso Ko na hindi siya naniniwala sa tagal ng relasyon. Dagdag pa ng KalaWhok, “Ang lalake kahit anong mangyari hinding hindi magsasawa sa babae. Ang makakapagpigil sa lalake is kapag nahanap niya na ‘yung mamahalin niya.”
Sumang-ayon ang Unkabogable Star sa sinabi nito pero nagulat sina Karylle nang nakitang napakapit si Vice sa pader habang nakikinig kay Piano Ang Puso Ko. Tila relate si Vice sa sinabi ng KalaWhok. Tanong ni Jhong sa kanya, “Kaya [ba] hindi ka na lumalabas masyado?” Na sinagot ni Vice ng “Oo. Lahat tayo ay may katapat na magpapatino sa atin.”
Tinanong naman ni Vice si Jhong kung nagtino na ba ito at nang sumagot si Jhong ng “oo”, hindi naniwala ang It’s Showtime host. Bukod kay Jhong, pakiramdam ni Vice ay hindi pa rin nagtitino si Ryan Bang. Dumepensa si Ryan na nagsabing bata pa raw kasi siya at wala pang nakarelasyon nang matagal.