Pagkatapos magkomento ng Punong Hurado na si Rey Valera sa performance ng Tawag Ng Tanghalan contender na si Rachel Mae Baguio ay sinundo na ng It’s Showtime dancer na si Issa ang contender. Napansin nina Vice Ganda at Anne Curtis ang paglakad ni Issa papunta sa stage at pabalik.
Biro ni Vice, “’Yung tuhod nito parang lulugo-lugo lagi!” Ginaya pa nina Vice at Anne ang lakad ni Issa, na hirap sa paghakbang at nakaliyad.