Lumalamig na ba ang haplos ng hangin? Pasko ba’y naaamoy mo na rin? Huwag mag-alala, may panahon pang humabol ang mga single. At para Christmas mood ay ma-feel, si ‘Showtime’ kid Imogen, maagang nangaroling!
Ang hit single niyang “Mini Miss U,” ginawan ng Christmas version para sa paparating na special occasion. Paskong-pasko na ang vibe sa studio! “Hello, Merry Christmas, Mabuhay,” kantahin natin nang sabay-sabay!
Kung nakikinig na si Santa, ano kaya ang wish ni Imogen? Kayo, madlang people, ano’ng gusto n’yong hilingin?
Content creators ang sumabak sa “Throwbox!” Lucky stars ng sampung vloggers ay nasubukan–isa ang lalaban sa jackpot round at mag-uuwi ng papremyong pangmalakasan. Nand’yan sina Esnyr Ranollo, Christian Antolin, at Ms. Catering. Nakipagkulitan din sina Pipay, Yobab, Kevin, Fujicko, at ilang miyembro ng Toro Family na sina Vince, Papi, at Mari.
Matapos ang bardagulan at kwentuhan with the contestants, isa-isa silang pumili ng box. Isang kahon ang naglalaman ng ‘star’ at 10, 000 pesos. Mukhang sinalo ni Yobab ang pag-ulan ng swerte dahil siya ang nakakuha ng lucky box na nagdala sa kanya sa jackpot round, kung saan may siyam na kahon na may mga corresponding prizes at throwback question.
Sa unang round, lumobo sa 15, 000 ang pera ni Yobab matapos humarap sa mga tanong taken from different eras and generation, tulad ng bagong ipinangalan sa Montalban, pamagat ng theme song ng isang pelikula ni Fernando Poe, Jr., at title ng isang hit ni Justin Bieber.
Pagdating sa dulo kung saan hinarap niya ang isang throwback question na may kinalaman sa year 1975, taon na ginanap ang unang PBA game, sumugal si Yobab sa kategoryang ‘Triple o Sawi.’ Nagtuloy-tuloy ang swerte ni Yobab at nasagot ang ultimate question, kaya ang 15, 000 pesos niya, natriple pa!
Ang punchline: may pambayad na si Yobab sa nasirang sofa ni Vice Ganda!
Oras na para i-check ang 'face card' ng mga contestants na kahawig daw ng idols nila. Walang kukurap dahil isa-isa na silang haharap sa "KalokaLike Face 4."
Mula pananalita hanggang sa kumpas ng kamay, at pati sa tono ng 'ahihihi,' kuhang-kuha ni 'kalokalike' number one ang awra ni King of Talk Boy Abunda. Kawangis pati ang kwento't pinagmulan, dahil pareho silang nagmula sa Borongan.
Kutis na makinis, plus hataw na malinis, very Marian Rivera si miss! Madlang people ay napasayaw nang si contestant number 2 ay lumitaw. Si Kapuso Primetime Queen at hurado Rufa Mae Quinto, nagtapatan sa pagandahan ng words of wisdom, at napa-throwback sa isang pelikula na kanilang pinagsamahan.
Basketball star LA Tenorio, meron daw kamukha?! At naka-three points pa sa puso ng madla! Excited din si LA na makita ang kaibigan na si Vhong Navarro. Pero hirit ni Vice Ganda, si LA, mukhang 'tinoyo.'
Pati mga 'hurado' ay havey! Ano 'tong kwento na naglipat-dressing room daw si Rufa Mae? Panoorin ang kulitan nila ni Vice at hurado Aubrey Miles at ang masasayang 'bukingan' sa tanghalian.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.