Sa Tawag Ng Tanghalan nitong Lunes, June 3, nabanggit ni TNT contender Kent Montes na nakarating na siya sa Indonesia at China.
Na-curious naman si Vice Ganda sa Indonesia dahil hindi pa siya nakararating doon. Ayon kay Kent, maganda ang lugar at masarap ang mga pagkain sa nasabing bansa. Dagdag pa ni Kent na sa tuwing magta-travel siya ay kasama sa kanyang budget ang pagtikim sa local cuisine ng bansang pupuntahan. Pahayag ni Vice na bahagi talaga ng travel experience ang pagkain. Kwento ni Kent, marami na siyang natikman na masasarap at authentic na Asian cuisine pero hindi niya na maalala ang tawag sa karamihan dito.
Tinanong naman ni Vice si Anne Curtis kung anu-ano na ba ang mga masasarap na pagkain ang natikman na ng asawa niyang food blogger na si Erwan Heusaff. Sinabi ni Anne na marami ang naikukwento si Erwan. Ayon dito, tulad ni Kent, bahagi ng itinerary nilang mag-asawa ang pagtikim ng local food.
Sunod na bansang target na puntahan ni Kent ang Japan kaya nag-reminisce si Vice ng kanyang naging stay noon sa Japan, “Ay ang sarap diyan!” Biglang naalala ni Vice, “May nakain akong ano diyan... reymen [Ramen]. Pagbabahagi ng Unkabogable Star, “Sabi ni Ion, reymen. Kakain daw siya ng reymen. Natawa lang ako…”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv