It’s the Monday after ng very successful na Magpasikat week, kaya naman feel na feel pa rin ng lahat ang happiness at excitement na dulot ng ating trending na Kinseyyy-lebration! At feeling extended naman ang party-party nang mag-perform si Pinay drag queen and Drag Race Philippines Season 3 grand winner Maxie Andreison live sa It’s Showtime stage.
Hindi napigilan ni Maxie na maging emosyonal habang nagpapasalamat kay Vice Ganda hindi lang dahil sa words of encouragement na ibinigay niya noong mga panahong kailangang-kailangan niya ng motivation, kundi pati na rin sa pagiging isa sa mga inspirasyon niya sa buhay. Bilang sukli, ibinida naman ng Unkabogable Star ang “husay na naninimbog” ni Maxie, na nakapag-perform na rin sa international stage.
Labis namang ikinatuwa ni Maxie nang mangako si Vice na aappear siya sa concert niya sa February 22 next year, kaya ngayon palang ay blocked off na ito agad sa schedule niya.
Since the Kinseyyy-lebration fever is still on, hindi nakalimutan, of course ngIt’s Showtime family na batiin ang Magpasikat 2024 grand champion na Team Ogie-Kim-MC-Lassy. Tatlo rin sa mga host ang nagwagi sa katatapos lang na 16th PMPC Star Awards for Music – si Ogie bilang “Male Recording Artist of the Year”, si Kim Chiu bilang “Novelty Artist of the Year”, at si Vice para sa “Novelty Song of the Year”. Ginawaran din ang Unkabogable Host ng Vice Bahaghari Champion Award, An LGBTQIA+ Role Model of the Year ng Philippine Financial Inter-industry Pride.
At upang i-celebrate ang kanilang kabi-kabilang achievements, natapos ang first gap sa isang mainit na group hug ng It’s Showtime family.
For sure, marami ang naka-miss sa adorable Showtime Kids na sina Argus, Jaze, Kelsey, at Kulot na muling nagpakitang-gilas sa pag-arte sa “Showing Bulilit”!
And for todays’ episode, sina Karylle at Jackie Gonzaga muli ang mga nagsilbing hosts, habang ang mga tambalan naman nina Ogie Alcasid at Ion Perez, Anne Curtis at Lassy Marquez, Jhong Hilario at Ryan Bang, Kim Chiu at Teddy Corpuz, Vice Ganda at Darren Espanto, at Jugs Jugueta at MC Calaquian naman ang mga magkakampi.
Nagpakilig sina Argus at Kelsey bilang Vhong Navarro at Toni Gonzaga sa 2008 Pinoy rom-com movie na “My Only U”, na nahulaan ni Kim at Teddy, pati na rin bilang Devon Sawa at Christina Ricci sa 1995 film na “Casper”, na na-gets naman nina Jugs at MC.
Natuwa naman ang hosts sa naging performances ni Jaze sa reenactment niya ng scenes sa “The Reunion” (2012) at “Ang Panday” (2017), na parehong nahulaan nina Anne at Lassy. Good job din sila sa Magpasikat-coded na jackpot round matapos na mahulaan kung sino-sino ang mga personality na nagsabi ng mga pinahulaang linya, kaya naman nanalo sila ng P50,000 na pinaghati-hatian ng 10 madlang live audience.
Tila naging pa-tribute kay former ABS-CBN President and CEO at FPJ’s Batang Quiapo star Charo Santos-Concio, na nagdiwang ng kanyang birthday last October 27, ang Kalokalike segment ngayong araw dahil sa pagsalang ng impersonator niyang si Riza Amante ng Cavite.
She may be a boss, pero hindi ‘yon naging hadlang para pag-tripan ng hosts, sa pangunguna ni Vice Ganda si “Ma’am Charo” sa pamamagitan ng pagpapabasa sa kanya ng lyrics ng “Boom Kara-Karaka” ala-Maalaala Mo Kaya. Halos hindi sila maka-move on sa pagtawa, lalo na nang magkamali siya sa pagbasa ng salitang “Kara-Karaka”.
Para namang nagsilbing comeback ni Jake Zyrus sa TV ang panggagaya sa kanya ni AJ Marasigan ng Tondo, Manila, na nagpa-sample pa nga ng “I Will Always Love You” ni Whitney Houston.
Samantala, very on-point naman ang impersonation ni Ria Cassandra Gil ng Laguna kay “Goddess of Social Media” at “Kakaibabe” hitmaker Donnalyn Bartolome from her physical appearance to her high level of energy!
Sa bandang huli, ang dopplegangers ni Ma’am Charo at Donnalyn ang nagwagi matapos kapwa makakuha ng tatlong “kalokalike” votes mula sa mga huradong sina Jugs at Teddy, Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados, at seasoned actress Gladys Reyes.
Nagtagisan naman sa pagkanta ang apat na nagwagi sa daily rounds ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown noong nakaraang linggo for today’s episode.
Unang sumalang sa entablado si Arvin Daño ng Agoncillo College, Inc. na pinabilib ang mga hurado sa kanyang makabagbag-damdaming pag-awit ng “Walang Kapalit” ni Piolo Pascual. Gayundin si Adie Hamja ng Western Mindanao State University na nagpahanga sa kanyang powerful rendition ng “Iris” ng Goo Goo Dolls.
Siya man ang nag-iisang babae sa hanay na ito, ngunit di nagpatinag si Lyjean Mae Aton ng Cebu Technological University na nagpakitang-gilas sa pag-awit niya ng version ni Jona ng “Pusong Ligaw”. Bigay na bigay din si Aemar Guevarra ng Yllana Bay View College sa kanyang performance ng “Ikaw Lang” ng Nobita.
Naging mainit man ang tapatan ng apat na TNT weekly finalists, pinasaya at pinagaan naman ng It’s Showtime hosts ang intense vibes sa kanilang puksaan at harutan sa stage. Bukod sa asaran moments, naaliw din tayo sa pagsalang ni Anne Curtis sa tongue twister challenge ng kanyang co-hosts at ni hurado Dingdong Avanzado, gayundin si Ryan Bang.
Sa bandang huli, si Adie ang itinanghal na weekly winner at magpapatuloy sa susunod ng round matapos na magkamit ng 94.3% na marka. Napakaliit lang ng naging lamang niya kay Arvin na nakuha ng 94%. Samantala, 90.3% ang natanggap na score ni Lyjean Mae at 92.3% naman kay Aemar.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.