Kung may nami-miss ka, maki-hugot muna sa isang kantahan session with Darren Espanto. Ang ‘bestie’ ng lahat, may bagong single–“Miss” ang title. Kaya napatanong si Kim Chiu kung sino ba ang tunay na nami-miss ni Darren. Ikaw ba, Kim, may nami-miss rin? Ang mag-BFF, mukhang may tinatago. Madlang people, ano’ng hula n’yo?
Mga mahalagang pangyayri sa nakaraan ay ating babalikan sa “Throwbox.” Hindi rin mawawala ang kantahan at kulitan sa “It’s Showtime.” Ang daming ganap! Watch the video to catch up!
Star Magic Gen Z artists, nasubukan ang galing sa general knowledge at history. Isa ang makakakuha ng ‘lucky throwbox’ at lalaban para masungkit ang prize money. Good vibes ang dala nina Michelle Vito, Karina Bautista, Gello Marquez, AC Bonifacio, Aljon Mendoza, KD Estrada, Criza Taa, Shanaia Gomez, Bianca De Vera at Vivoree.
Matapos ang masayang kwentuhan na may kasamang bukingan at pa-sample, si Gello ang sinuwerte of them all. Siya ang nakakuha ng ‘lucky star’ na nagdala sa kanya sa jackpot round, kung saan good performance ang pinakita n’ya sa pagsagot ng trivia questions from different eras.
Para may pampagana sa laro, lahat ay sumayaw ng “Footloose.” Mukhang effective ang dance craze, dahil si Gello ay hindi nag-lose. Ginalingan niya hanggang dulo para happy si mommy! Pera niya’y nadoble, kaya 93, 000 pesos ang kanyang iuuwi!
Mga kabataan pa rin ang bida sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Nagningning ang entablado dahil sa talento ni Mark Kian Ferrer ng Binmaley Catholic School. Heartbreak ang tema ng kanta ni Mark Kian na “Bakit Kung Sino Pa” kaya ang topic napunta sa rejection. Si hurado Darren Espanto, meron daw itatanong.
OPM hit na “Nosi Balasi,” binigyan ng bagong astig na tunog ni Geelzy. “Kuhang-kuha mo ako first verse pa lang,” sabi ni hurado Marco Sison sa pambato ng Divine Word College of Vigan. “May pagka-Bamboo pero iyong-iyo pa rin,” komento ni Punong Hurado Ogie Alcasid.
Kung classic TNT bardagulan ng hosts ay na-miss n’yo, meron tayo n’yan for today’s video. Si Vice Ganda, napalabas ng studio dahil kay Lassy. At sa paglabas nila, naging pisikal ang kulitan. Nakasalubong pa nila ang isang supplier sa paparating na “Magpasikat 2024” performance ng team ni Meme. Exciting! ‘Yun nga lang, baka pasabog ay mabuking!
Matapos ang kantahan at bardagulan sa entablado, si Geelzy ang hinirang na Top 1 ng mga hurado.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.