Tinanong ni Vice Ganda si Ate Girl Jackque Gonzaga kung anong term of endearment nila sakaling maging sila. Ayon kay Ate Girl, tatawagin niya si Vice na “ni.” Nang tanungin ni Vice kung bakit, sumagot si Jackque ng “Kasi para kang tuhod.”
Nawala ang ngiti ni Vice sa sinabi ni Jackque at bumanat ng “Gusto mo tuhurin kita ngayon!?” Pero paglilinaw ni Jackque “Ni, sweet ‘yun, kasi honey! Malagkit, madikit, tsaka pinuputakte!”
Tinanong naman ni Vice si Ion kung ano ang term of endearment nila. Gusto raw ni Ion ang unique na tawagan na sila lang ang meron kaya choice niya ang “beh!” Mas lalong nainis si Vice at nagbanta pa ng “Tutuhurin ko talaga ‘to eh! Beh!? Bakit Beh!?” Paglilinaw ni Ion, “Kasi ‘pag nakikita kita, nakakakita ako ng Barbeh [Barbie]!” Hirit ni Jhong,“Barbeh [o] Captain Barbeh!”sabay gatong naman nang malakas ng tawa ni Vhong Navarro.
Pero hindi pa pala tapos ang banat ni Ion at sinabing “kahit minsan nagagalit ka, nagiging kamukha mo si Anna Beh!” Nagseryoso naman si Ion na sinabing “Kahit ganoon, ikaw pa rin ‘yung beh beh ko!”