Present sa It’s Showtime ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 nitong June 6 (Huwebes). Sa gitna ng tanungan sa KapareWho, napansin ni Jhong Hilario na tila gutom na ang candidates, kaya sinabihan ni Jhong si Kuya Escort Ion Perez na alukin sila ng snacks.
Mabilis na kumontra si Vice Ganda at sinabing “Hindi pa tapos ‘yung tanong, wala na tayong time! Overtime na hahaba pa ‘yan!” Dagdag pa ni Vice, hindi daw talaga kumakain ang mga kandidata dahil kailangan payat sila para sa pageant night.
Tinanong naman ni Vice si Ion kung gusto ba nitong mag-alok ng pagkain sa mga naggagandahang binibini. Sagot ni Ion, “Okay na ako dito kasi katabi ko na ‘yung Ms. Universe ko eh!” Kinilig naman si Vice sa banat ni Ion. Pinagmalaki pa niya na title holder si Ion ng Mr. Universe Tourism. Sinabi naman ni Jhong na baka gustong magpa-picture ng mga kandidata kay Ion, pero kumontra ulit si Vice at sinabing kailangang bumalik na sila sa segment na “Isang Tanong Isang Sagot.”